Sunday, August 27, 2017

Hidden Paradise of Masbate




     Masbate, ano nga ba ang mayroon sa Masbate? Maraming tao ang nakakaalam na ang Masbate ay isa sa pinakamahirap na lungsod sa buong rehiyon ng Bicol. Kilala bilang lugar kung saan talamak ang patayan tuwing panahon ng eleksiyon. Lugar kung saan uso ang "vote buying" tuwing eleksiyon. Lugar kung saan korupt ang mga namumuno. Sinu pa nga ba ang maiinganyong pumunta kung ganito lang din naman kadelikado ang lugar ng Masbate? Diba ikaw mismo hindi ka na magkakakroon ng interest na bisitahing ang lugar na mayroon kami. Pero sa kabila ng lahat ng iyan, ang Masbate ay unti- unting bumabangon hanggang sa kasalukuyan. Halina't tuklasin natin ang mga tagong yaman ng Masbate.

     April 26, 2017 nang kami ay umuwi sa probinsiya. Mula dito sa Cavite ay sumakay kami ng van papuntang Turbina. At doon ay sumakay kami ng bus papuntang Masbate. Medyo may kamahalan ang pamasahe, pero wala namang pagsisi kasi naging masaya naman at isa sa mga hindi makakalimutang bakasyon iyon ng aming pamilya. Mahigit siyam na oras ang aming paglalakbay mula dito sa Cavite hanggang Pilar Pier, kung san ay sasakay  bakami nang barge o barko patungo sa Masbate City. Siyam na oras sa Land transportation at apat na oras sa Water Transportation. 
PORT OF MASBATE



    April 27, 2017 ng 11:00 ng umaga kami dumating sa Masbate City. Isa’t kalahating oras pa ulit na biyahe papunta sa mismong lungsod na aking tinitirahan. At nang kami ay makarating sa bahay, nagpahinga muna kami bago kami maglibot- libot.  Nagpahinga at sinulit ang mga araw na kaming magkakapamilya ay magkasama. 

   


     On the third day, April 29, 2017, kami ay nagplano at napag isipan naming pumunta sa Porta Vega o mas kilala sa tawag na“Little Bora o Little Boracay” ng Masbate.  Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Dimasalang, 30 mins. away from Cataingan.  Mula sa pier ng Dimasalang, sumakay kami ng maliit na Bangka papuntang Porta Vega na umabot nang 15-20 minutes hanggang makarating kami doon. Nagkahalaga nang 1200 pesos an gaming biniyaran sa Bangka na maghahati at magsusundo sa amin 8-10 person ang magkakasya sa isang bangka. Ito ay naturingang little Bora dahil sa puting buhangin na angkin neto. Islang mayroong pino at maputing buhangin. Marami na kaming naririnig tungkol sa Porta Vega kaya naman ay doon naming naisipang pumunta. Dahil sa malapit na affordable pa. 


AN ISLAND IN THE MIDDLE OF THE SEA
      Habang nasa Bangka ay matatanaw moa ng isla- islang nakapalibot sa lugar. At isang isla ang agaw pansin sapagkat ito’y nag-iisa sa gitna nang dagat. Maliit man siya, pero ito’y kahanga-hanga. At ng kami ay malapit na sa Porta Vega, kahit hindi pa kami nakakababa nang Bangka ay napahanga na ako sa angking ganda ng Porta Vega. Malayo pa man ay makikita mo na ang tumitingad na kulay nang buhangin. Mga puno nang niyog na nakapalibot sa lugar. Tila isang paraisong hindi mo inakala. 
   

    Sa halagang 200 pesos ay pwede ka nang manatili sa lugar hanggang 5;00 ng hapon. Sa aming pagdaong sa dalampasigan ay mararamdaman mo ang pagkapino ng mga buhangin. Tila ba ito’y powdered sand sa sobrang pipino ng mga ito. Pwede karing maglibot-libot sa lugar. Sa aming paglilibot ay nakita namin ang chapel sa mismong beach. Nakakita rin kami ng mga bahay na kung saan ay pwedeng rentahan at dun manuluyan sakaling gusting manatili ng ilang araw.  Sa dagat naman, wala kang mkikitang mga bato baton a maaaring makasugat sa paa. Purong buhangin lang ang iyong makikita. Mag-eenjoy Karin sa pagsisid ng mga sea orchin. Kung marunong kang lumangoy ay siguradong makakakuha ka nang malalaking sea orchin. Sa hapon ay natuklasan din naming ang napakagandang paglubog ng araw o sunset. Naging kulay orange ang sinag ng araw at hanngang sa onti-onti nitong pag-lubog. Isang mala-paraisong lugar ang Porta Vega. A peaceful place where you can chill, enjoy and relax.


     Ang Porta Vega ay isa lamang sa mga paraisong taglay ng Masbate. Marami pang maaring libuting isla at lugar sa Masbate. Kilala rin ang Masbate bilang Rodeo Capital of the Philippines, dahil ang Masbate ay lugar kung saan matatagpuan ang napakaraming rancho ng mga Baka. Taon-taon dinaraos ang Rodeo dito. 
     Halina’t samahan niyo ako sa pagdiskubre ng mga tagong yaman ng Masbate. Dalawin natin ang Masbate at ipaapam sa lahat na ang Masbate ay isang paraisong hindi pa kalian man nakikilala at nakikita ng lahat. Mabuhay ang Masbate! Abante Kita Masbateños!